Nagka
time ka na ba na parang ayaw mo ng huminga? Yung kahit bawat pagpikit mo ng mga
mata mo parang walang halaga. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit nandito ako
ngayon. Sino ba talaga ako? Bakit nga ba ako nandito? Nasagot ko na to before
pero bakit ganun parang bumabalik ako sa dati. Yung dating walang dahilan ang
bawat pagtapak ng mga paa. Walang dahilan ang bawat pag gising sa umaga. Pumapasok
lang dahil kailangan. Pero ang buhay ay parang isang tuyong dahon na unti
unting nahuhulog sa lupa ng walang nakakakita. Pero buti pa nga yung dahon magiging
pataba sa lupa. Hindi ko alam kung bakit “history repeats itself” pero mas tama
ba na “people repeat history”. Tayo, may free will tayo na ulitin ang bagay na
nangyari sa nakaraan. Ako ba? Uulitin ko ban a saktan yung sarili ko. Na iwan
ang lahat ng taong nagmamahal sakin. Na magpakalunod sa kalungkutan. Nagsasawa na
akong umiyak, napapagod na akong malungkot. Bakit ganon. Bakit ang daming mga
bagay na hindi ko makontrol. Mga bagay na kahit anong gawin ko, hindi ko
mabago. Dapat nga ba talaga na tangapin ang katotohanan na akoy isang langam
lamang sa mundong to? Magpapatalo na ba talaga ako sa mga bagay na kinakalaban
ako. Magpapatalo na ba ako sa lungkot, sa takot at sa pagkakasala. Nagawa ko na
dating makawala sa kalungkutan eh. Nagawa ko na dati. At alam ko magagawa ko
din yun ngayon. At ngayon, hindi ko na hahayaan na lalo akong masaktan. To the
point na hindi ko na kilala yung sarili ko. Hindi ko na kilala yung nakikita ko
sa salamin. Yung parang ang labo, blurred. Walang linaw. Kung tutuusin, Jesus
saved me na eh. Niligtas na niya ako. Pinhid niya na yung dugo niya para maging
malinis uli ako pero hindi ko pa alam non yun. Ngayon, alam ko na sinalba na
niya ako. Kaya ayoko ng isipin na ako mismo ang nagpapako sa kanya sa krus. Ako
mismo yung nagpapahiya sa kanya. Ako mismo yung sumisigaw na ipako siya sa
krus. Ayokong maging katulad nila, yung walang Diyos sa puso. Gusto kong ang
panginoon ang maghahari sa puso ko at hindi ang kaaway. Gusto ko na matangal to
lahat. Itak itak lahat, yung walang matitira. Kung baga sa garapon, kapag
tinaktak, walang nakadikit na tira tira sa gilid. Yung malinis na malinis para
pag nakaharap ko na ang Panginoon, matatangap ko siya ng buong buo. Para hindi
magkukulang yung ibibigay niya sa akin. Para hindi ako magsisisi na eto lang
nakuha ko at sisihin ko si Lord. Ako yung may problema sa puso at naniniwala
ako na ang panginoon sobrang malapit sa mga pusong durog na durog. Ganun kasi
yung puso ko eh, yung buhangin na lang, yung imposibleng mabalik sa dating
anyo. Pero si Lord, siya lang yung makakagawa na pagbuuin yung mga buhangin nay
un para maging bato uli. Ganon ka strong na kahit anong alon ang dumaan di
patitibag, hindi magpapadaloy na lang kung san san. Ito yung bato na Diyos ang
humahawak, yung baton a nagpoprotekta sa puso na buong buo na kahit ilang beses
bumagsak hindi agad mababasag.
Makakaharap
ko na si Lord, kaya pa! konti na lang. J